Isang nanay ang naghahanapbuhay sa bangketa ang pinalayas ng anak. Yan ang impormasyon'g nakuha ng isang Vlogger ng tulungan niya ito.

Image from: ALDERTV VLOGS

Binigyan ng Vlogger ng regalo ang isang lola na nagtitinda sa bangketa ng makita niya itong umiiyak at tumanggi'ng tumanggap ng tulong. Hindi tatanggapin ni lola ang isang regalo dahil wala daw siya'ng mapaglalagyan dahil pinalayas daw siya ng kanyang anak.

"Hindi ko pinalo ang apo ko, kumuha ako ng damit niya para bihisan", yan ang sabi ng lola sa Vlogger.

Malaking kurot ang pangyayari sa karamihan dahil sino'ng anak ang kayang gawin iyan sa ina nagsilang sa kanila.

Nagtitinda lang si nanay sa bangketa at ngayon ay nagpoproblema na kung saan siya titira. Umaasa na may bubong na matutuluyan lalo na sa panahon ng tag-ulan. Panoorin ang video ng Vlogger at kung gustong mag-abot ng tulong kontakin lang ng direkta ang Vlogger.

Mahirap ang makita ang isang ina lalo na kung may edad na ito na pinababayaan. Hindi dahil sa hindi natin maintindihan sila minsan ay sapat na nabatayan para sila'y iwan o paalisin.

Tayo ay tatanda rin, at sana hindi mangyari sa atin ang mga bagay na hindi natin gusto mangyari sa atin.

 
Top